FOR MY NEW ENTRIES PLEASE VISIT www.ruphestimate.blogspot.com.

Home » Post Item » WALANG IWANAN

WALANG IWANAN

May 10, 2008

Pedro:  (Kumatok sa pinto ni Kumpareng Tinoy).
Tinoy:  (Binuksan ang pinto).
Pedro:  Pare, pwede mo ba akong itulak?
Tinoy:  Pare naman oh alas tres pa ng madaling araw. Inaantok pa ako at saka ang dilim dilim pa
sa labas. Maghanap ka na lang ng iba. (Sinara ang pinto at bumalik sa kama ).
Mrs.   :  Sino yon lab?
Tinoy:  Si kumpare, nasiraan siguro, gustong magpatulak. Eh, alas tres pa ng umaga at saka sobrang
            madilim sa labas.
Mrs.   :  Lab, bakit di mo itulak? Natandaan mo ba noong nasiraan ka sa daan? Alas tres din yon
            ng umaga, madilim na madilim at bumabagyo. Sinong nagtulak sa inyo? Diba is Pareng
            Pedro? Makonsinsya ka naman lab utang na loob. Nangangailangan din ng tulong yong tao
            Ngayon na ang tamang panahon para makabayad ka naman.
Tinoy : Sige na nga! Oo na nakonsinsya na! (Lumabas si Tinoy).
Tinoy : Pareng Pedro? Nasaan ka?
Pedro : Nandito ako. Itutulak mo na ako?
Tinoy : Oo..Nasaan ka ba? Sobrang dilim. Hindi kita makita.
Pedro : Andito ako sa.. swing!

Posted by ruphestimate at 11:58 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment