FOR MY NEW ENTRIES PLEASE VISIT www.ruphestimate.blogspot.com.

Home » Post Item » KAKAPIT KA RIN BA?

KAKAPIT KA RIN BA?

October 1, 2008

Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, kung hindi ka talaga marunong dumiskarte di mo talaga maitataguyod ang inaasam-asam mong buhay. Ito marahil ang pinakamalaking dahilan kung bakit nangingibang bansa ang mga Filipino. Ayon sa isang librong nabasa ko. Ang Pilipinas ay isang mahirap na bansa na palaging dinadalaw ng bagyo, baha, lindol at krimen na siyang dahilan ng kahirapan nito. Walang magagawa ang gobyerno at umaasa lamang sa bilyon-bilyong padala ng mga OFW. Kaya nga’t ang bansag ng gobyernon sa mga OFW ay mga bagong bayani.

Dinadayo ng mga Filipino ang ibat-ibang parte ng mundo mabigyan lang ng katuparan ang mga pangarap. Ngunit masakit isipin na hindi lahat ng mga nangarap ay nabigyan ng katuparan. Maraming mga Filipino ang dumanas ng kahirapan sa labas ng bansa. Isang halimbawa na dito sa Dubai. Ang Dubai ay siya na marahil ang pinakamadaling pasukin ng mga OFW. Dahil dito maraming mga kababayan natin ang nagpupumilit na pumarito’t maghanap ng trabaho. Pero di lahat ng pumasok dito ay nabiyayaan ng pagkakataong makapagtrabaho. Lalo na’t sa kasalukuyan binago ng Dubai ang batas ukol sa VISIT VISA. Noong unang mga taon, ang visit visa ay pwedeng manatili ng dalawang buwan sa Dubai. Sa loob ng dalawang buwan siya ay may malaking tsansa na makahanap ng employer na magbibigay sa kanya ng residence visa. At higit sa lahat kahit ilang ulit pa siyang mag-exit sa Kish island, Iran (see pictures below) ay magagawa niya at makakabalik siya sa Dubai kahit anong oras at kahit ilang ulit. Pero sa kasalukuyan, ang visit visa ay hangang 30 days na lang. Pagkatapos ng 30 days pwede ka lang mag-exit sa Iran ng isang bisis. Sa sunod na exit mo kailangan mo nang umuwi sa Pilipinas.

    

Dahil sa pagbabagong ito, marami sa kababayan natin ang nahihirapan. Tinatayang umabot mahigit 6,000 Filipinos ang na-stranded sa Oman (another exit point) at Kish Island, Iran sa kasalukuyan. Walang matutulugan, walang makakain, walang pera at tila ba wala na ring tsansa na makabalik dito sa Dubai.

Ayon sa embassy ng Pilipinas dito sa Dubai, wala silang maibigay na tulong sa mga kababayan nating na-stranded kasi hindi nila ito jurisdication. Ang may magagawa lang dito ay ang embassy ng Pilipinas doon sa Oman at Iran.

Paano kung walang tutulong sa mga taong ito. Buong buhay na lang ba silang stranded doon? Wala bang magagawa ang gobyerno natin sa Pilipinas?

Nang dahil sa pabago-bagong batas ng Dubai marami tuloy ang kumapit na sa patalim. Ang mga kababayan nating mga babae ay kung kahit mabahong Indiano o Pakistani ay pinapatulan na magkapera lang at kahit papaano makapagpadala man lang sa Pilipinas. Marami akong nakikilalang gumagawa na ganito. Sa bagay wala silang choice. Kahit man ang mga kababayan nating mga lalaki mga Arabong sakim sa laman ay pilit kinakapitan na rin.

Hindi natin masisi ang mga gawaing ito, sadya lang ganito ang tadhana, masyadong mapaglaro at kung kung ayaw mong sumabay sa indak talo ka.

 

 

Posted by ruphestimate at 2:12 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment