FOR MY NEW ENTRIES PLEASE VISIT www.ruphestimate.blogspot.com.

Home » Tags

Ang Paskong Nagdaan

December 27, 2008

Ang bilis ng panahon. Para ka lang umidlip ng ilang minuto, dumaan na naman ang pasko. Ilang araw na lang bagong taon na naman. Pero paano mo ba ipinagdiriwang ang pasko mo? Ang pasko ko? ‘Wag mo na lang itanong. Hindi naman siya ganon ka-blue. Sa bagay, masasabi din nating hindi ganon kasaya.

 

Kung isipin mong malungkot ito dahil nag-iisa ka at wala kang natanggap na bonus galing sa amo mong napakabait, hayaan mo na lang, ang importante buhay ka at napi-feel mo ang spirit ng Christmas. Teka, paano mo nga ba napi-feel?

 

Hay, isipin mo ito. Pagsapit na pagsapit ng pasko, ang daming magparamdam sa iyo. Buksan mo nga ang inbox ng mobile mo, diba panay ang text ni kapatid, ni pinsan, ni kaibigan, ni mga pamangkin, ni mga inaanak. Kesyo wala daw silang handa sa noche Buena. Panay ang text ng buong barangay. Hindi ka naman ganon ka sikat. Bakit ba sila magte-text sa’yo tuwing sasapit ang pasko? Di mo ba nakuha? Simple lang naman ‘yon. Ang ibig sabihin no’n, kung meron kang pamasko huwag mo silang kalimutan. Diba nasa ibang bansa ka? Kumikita ka ng dollar/dirhams kaya kailangan mo silang ambunan ng kunting grasya.

 

Pero paano ka nga ba magbibigay ng grasya kung di sapat ang kita mo? Wala ka rin namang bonus. ‘Yung sweldo mo tuwing katapusan ng buwan sapat lang sa pamilya mo at wala kang naitatabi. Gustuhin mo man pero mahirap talaga.

 

Teka, balik tayo sa pagdiriwang ng pasko. Sa akin, ordinaryong araw lang ang pasko ko. Pero feel ko naman ang spirit ng Christmas for sure. Apektado lang ako sa mga storya ng buhay sa mga kasama ko. May storyang nakakatawa, meron ring nakakainis.

 

Si Ate Myrna laban sa asawa niya

 

Umuwi ang asawa ni Ate Myrna (asawa lang dito sa Dubai) noong Octobre. Sabi sa kanya babalik daw bago magpasko, or bago mag-new year. Di tiyak. Di naman niya pwedeng araw-arawin ng tawag kasi minsan walang signal minsan din si Mrs. No. 1 ang sumagot ng phone. Kaya ito si Ate Myrna, ang tamlay-tamlay noong pasko. Di man lang niya nakausap ang asawa niya. Pero may pag-asa pa rin siya. Parating pa ang new year.

 

Si Ate Amy laban sa mga ka-room mate niya

 

May di pagkakaintindihan si Ate Amy at ang mga ka-room mate niya. Bina-back fire daw kasi siya sa mga kasama niya. Kesyo daw di naman daw siya ganon kaganda (kamukha daw niya ang nanay ni Pacman), bakit daw nakabingwit siya ng Emirati. Kaya tuloy naiinis ang mga kasama niyang di man lang napansin ng mga Emirati. Di siya kinausap. Ito naman si Amy mukhang palaban. Pero noong pasko, ang saya-saya nila. Nagkakantahan at sabay-sabay na dinaraos ang pasko. Sana, tuluyan ng maayos ang hidwaan nila.

 

Si Ate Rose laban kay kuya James

 

Tanghali na ng pasko dumating si Kuya James. Galit na galit si Ate. Bakit daw parang di galing sa trabaho si Kuya. Mukha daw’ng galing sa ibang pintuan. Medyo may mga pag-du-duda na’to si Ate Rose. Nahuli kasi niya minsan si Kuya na may katawagan. Pero nagkabati rin sila. Kaya lang bandang alas 10 ng gabi umalis muli si Kuya. May work daw siya kinabukasan at kailangan maaga. Di na lang kumibo si Ate, nakabit pa naman daw sa kanya ang korona niyang pagiging “orihinal na asawa dito sa Dubai.”

 

Si Kuya Sam laban kay Ate Myrna

 

Ilang buwan na ring walang kiboan ang dalawang panig. Ito kasi si Kuya Sam parang babae. Galit na galit kasi siya noong malaman niyang text ng text si Ate Helen kay Ate Myrna. Ang buong akala ni Kuya Sam si Ate Myrna ang nagsusumbong kay Ate Helen sa mga ginagawa ni Kuya Sam dito sa Dubai. Pasko man, wala pa ring imikan ang dalawa magkasalubongan man sila sa maliit naming pinto.

 

‘Yon ang mga estorya ng pasko ng mga kasama ko sa bahay. Sa akin? Alam n’yo na. Masaya ako sa pasko kahit malayo ako sa pamilya ko kasi alam kung napaka-supportive nila at naiintindihan nila ako.

Posted by ruphestimate at 9:07 pm | permalink | Add comment